Linggo, Marso 20, 2011

Ang Pangatlong Reyna ng Hangin

Nagapi na ang mga kalaban. Pumatak na ng matamis na dugo ng mga mabubuting nilalang na naghahangad ng kapayapaan at katarungan sa Encantadia at mapait na dugo ng mga pumanaw na nilalang na uhaw sa kapangyarihan sa Adamya. Nagbalik ang diwatang sarili ni Hitano matapos siyang patawarin ni Sanggre Alena, namatay si Agane sa kamay ni Hitano, nalaman na ni Pirena ang katotohanan ukol sa kanyang pagkatao bago paganting pinatay ni Amihan si Hagorn na siyang pumatay sa kanyang ama, nailigtas na ni Aquil si Danaya mula sa pagkabihag at sa wakas ay natagusan na rin ng talim ng espada ang katawan ni Asval. Matapos ng huling digmaan na naganap sa baybayin ng Adamya, naging payapa nang muli ang lahat. Ang pagkakaisa ng apat na brilyante ng apoy, hanging, tubig at lupa ay naganap na sa tulong ng Luntaie o tagapagligtas ng Encantadia. Muling nagsibalikan mula sa pagkukubli ang mga maliliit na diwatang tulad nina Muyak at Munti at nagbalik na rin ang matagal na nawalang balanse ng kalikasan. Pinakasalan ni Haring Ybrahim si Reyna Alena at parehas nilang pinamunuan nang may katarungan ang Sapiro. Ang Adamya ay patuloy na pinamunuan ni Imaw na siyang nagsiguro na sa pagkakataong ito ay hindi na muling mananakaw mula sa kanya ang tungkod na naglalahad ng katotohanan ng nakaraan. Ang Hathoria ay naging kweba ng mga mababait at mapaglarong mga Hathor matapos mamatay ang Hari nito. Habang ang Lireo naman ay naghintay ng bagong reyna matapos sabihin ni Reyna Amihan na panahon na upang magwakas ang kanyang panunungkulan. 

Sa bulwagan ng Lireo...

Amihan: Dumating na ang panahon mga mahal kong mga diwata, upang aking ipatong ang korona ng Lireo sa bagong magiging mamumuno ninyo. Dumating na sa wakas pagkatapos ng napakahabang panahon ang bagong kabanata ng ating kasaysayan. Sapagkat mula sa araw na ito, ay ipinapasa ko na sa aking anak at tagapagmanang si Lira ang korona upang inyong maging bagong reyna. 

Aquil: Ivo live Lireo! Ivo live Lira! (Mabuhay ang Lireo! Mabuhay si Lira)  

mga kawal at mga mamamayang diwata: Ivo live!

Amihan: Ito'y araw ng pagdiriwang para sa ating bagong reyna!

Lira: Sandali

Alena: Bakit Lira? May problema ba?

Lira: Mga mahal kong mga diwata, mga magigiting na kawal ng Lireo, itay, mga ashti... inay..

Ybrahim: Anak, anong ibig sabihin nito? 

Lira: Napag isa na ang apat na brilyante. Tapos na ang misyon ko.

Amihan: Tama ka anak. At ngayon ay magiging reyna ka na.

Lira: (humindi ang ulo)

Amihan: Hindi ko maintindihan anak.

Lira: Naganap na ang propesiya. Isa na akong reyna. Namana ko na ang korona. Ngayon, panahon na upang wakasan ko na ito.

Amihan: (malakas at namomroblemang boses) Ngunit Lira! 

Pirena: Wag mong suwayin ang iyong ina, Lira. Kapalaran mo ang mag reyna sa Lireo at sa buong Encantadia. Hindi mo ito maaaring talikuran. 

Lira: Totoo Ashti. Kapalaran ko ang mag reyna. Ngunit ayokong pangatawanan ito gayong tapos na ang dapat kong gawin. 

Pirena: Astali! (Masamang ugali) 

Danaya: (umiiyak ngunit malumanay) Sheda Pirena. Sa pagkakataong ito, tanging si Amihan nalang ang makakapag pasya.

Ang lahat ay tumingin kay Amihan. Matagal nya itong pinag isipan.

Amihan: (umiiyak) Kung yan ang hinahangad ng iyong puso anak, ginagalang ko ang iyong pasya.

Ybrahim: Hindi ako makapapayag.

Alena: Ybarro

Ybrahim: Kung ang kanyang Ynang Reyna ay kayang pumayag sa gusto nyang mangyari, hindi ako makapapayag. Hindi ko hahayaan ang aking anak na talikuran ang isang matamis na kapalarang inilaan sa kanya ni Bathalang Emre.

Amihan: (nakatingin kay Ybrahim. nakikita sa mga mata nya na sumasang ayon siya sa mga sinasabi nito ngunit hindi nya magawang kalabanin ang gusto ng kanyang anak)

Lira: Napag isipan ko na to itay. Hindi ako ang magiging reyna sa loob ng mahabang panahon. May ibang nakalaan para rito.

Ybrahim: Anong ibig mong sabihin?

Lira: Makinig kayong lahat. Mahal ko ang Lireo. Mahal ko ang Encantadia ngunit gusto ko na lang ngayon na magpahinga. Tapos na ang tunay kong gawain at yun ay ang ipag isa ang apat na brilyante. Kayat sa ngalan ko, ay ipinapasa ko na ang korona sa inyong bagong magiging reyna.

Nagtinginan ang lahat.

Lira: Nakausap ko sa aking panaginip si Bathala. Humingi ako ng paalam sa kanya upang hayaan akong manatiling Sanggre sa palasyo ng aking Ynang Reyna. Ngunit hindi ko hahayaang walang reyna ang Lireo. Kaya't hiningi ko kay Bathala na taniman nya ng isang sanggol na Sanggre ang sinapupunan ko upang siya ang sumunod sa aking yapak bilang reyna. 

Amihan: Ang ibig nito..

Lira: Opo inay. Dinadala ko na ngayon ang susunod na reyna ng Lireo. 

Natuwa ang lahat.

Pirena: Ngunit paano ang trono ng Lireo gayong hindi pa pinapanganak ang iyong tagapagmana?

Lumapit si Lira sa trono at naglabas sya ng kapangyarihan sa kanyang kamay. Tinuro nya ito sa trono.

Lira: Sa ngalan ng Bathalang Emre, inuutusan kitang pansamantalang magliyab ng proteksyon sa yong paligid. Walang maaaring makalapit sayo hanggang sa hindi pa lumalaki ang iyong bagong magiging reyna.

Nagliyab nga ito.

Alena: Anong ibig sabihin nito? Ilang taon mawawalang ng reyna ang Lireo?

Lireo: Wag kayong mag alala Ashti Alena. Hiniling ko na rin kay Bathala na pabilisin ang paglaki ng aking anak upang mas mabilis niyang magawang humalili sa akin at sa aking Ynang Reyna.... itay, galit parin ba kayo?

Ybrahim: Kung yan talaga ang pasya mo.... (matagal na walang sinasabi)

Nagtinginan ang lahat habang hinihintay ang patapos na salita ni Haring Ybrahim

Ybrahim: ....sana lang ay di maging sing kulit mo ang yong magiging anak.

nagtawanan ang lahat.


Naganap nga ang mga kagustuhan ni Lira. Hindi na sya ang reyna ngunit mabilis na lumaki ang sanggol sa kanyang sinapupunan-- isang katuparan sa hiniling nya kay Bathala na pabilisin ang pag laki ng kanyang anak. At sa loob ng paghihintay, nanatili ngang nagliyab ang trono ng Lireo. Maging sina Lira at Amihan ay hindi maaaring makalapit doon dahil sa ibayong proteksyon na siniguro ni Lira para sa kanyang tagapagmana. 

Matapos ng maikling panahon ng tag yelo sa Encantadia, noong nagsisimula nang bumukadkad muli ang mga dahon sa Encantadia, sa silid ng Sanggre Lira ay nakarinig ang lahat ng isang malakas na sigaw. 

mga dama: Ang mahal na Sanggre! 

Narinig rin ni Amihan ang sigaw kung kayat agad syang naglaho papunta sa silid ng kanyang anak. Nang makita itong malapit nang manganak, agad niyang inutusan ang kanyang brilyante na iparating ang mensahe sa Sapiro upang malaman nina Ybrahim at Alena. Sa mga oras na iyon, dumating na rin sina Danaya at Pirena at nakitang nanganganak na si Lira.

dama: Ivi shelante corre Sanggre! (manganganak na ang mahal na Sanggre)


Di nagtagal ay dumating na sina Ybrahim at Alena. Agad tumakbo sina Amihan at Ybrahim sa tabi ni Lira upang suportahan ito. 


Matagal ang panganganak ngunit sa wakas, narinig ng buong palasyo ang awiting tinig ng unang iyak ng bagong reyna nito. 


Pagkatapos ng isang oras...


Lira: Nasaan na ang anak ko?


Amihan: Nandito siya mahal ko. 


Lira: Gusto ko syang hawakan.


Binigay ni Amihan ang sanggol. Nakatingin ang lahat ng mga Sanggre pati na rin si Ybrahim, Imaw, Muyak at Aquil. 


Aquil: Mahal na Sanggre, ano ang nais mong ipangalan sa mahal na reyna?


Lira: Cassandra. Yun ang napusuan kong ipangalan sa kanya. Cassandra. 


Hindi sinabi ni Lira kung ano ang ibig sabihin ng pangalan na ito ngunit alam agad ni Amihan.


Amihan: Sanggol na binuo ng ina. Sanggol na walang ama. 


Ngumiti ang lahat.


Pagkalipas ng ikapitong pag sinag ng araw, nangyari nga ang hiniling ni Lira. Isa nang ganap na dalaga si Cassandra na tila palihim na binasbasan ni Emre ng karunungang agad makaintindi ng mga bagay bagay. Palihim sapagkat walang binanggit ang Bathala kay Lira tungkol rito ngunit kapansin pansin na, sapagkat lumaking matalino ang bata. Ang sanggol na noong pitong araw ang nakaraan ay malakas umiyak, ay ngayon isa nang kabigha bighaning Sanggre na mapagmahal, mapagkumbaba at magaling sa paghawak ng espada. Namana nya ang kapangyarihang hangin. Dahil sa lahat ng ito, hindi na maipagkakailang ito nga ang bagong reyna ng Lireo. Kaya't sa gabing iyon, nawala na ang pagliyab ng trono. Napansin ito ng mga Sanggre kung kayat agad nilang nalamang panahon na. 


Lira: Tanggapin mo ang basbas ko anak. Dahil simula sa gabing ito, sayo na ang Lireo. Sayo na ang trono, ang setro at ang korona na ipinasa ni Cassiopeia kay Ursula na ipinasa kay Demetria, na siyang pumasa kay Ynang Reynang Minea, na napanalunan ni Ynang Reynang Amihan, na napunta kay Ashti Pirena, na panandaliang nasakamay nina Hagorn ngunit napunta kay Mira, na aking sunod na sinuot, at ngayon ay ibinibigay ko na sayo, mahal ko. Kaya't simula sa gabing ito, ikaw na ngayon ang bagong reyna ng mga diwata.

Nagpalakpakan ang lahat.